Alpas

To break free


Pahimakas, aking sinta

Intro:
Sa ating unang kabanata
Ikaw ang napiling paksa
Mahal kita, aking sinta.

Verse 1:
Akala ko hanggang tayo sa dulo
Ikaw at ako
Laban sa mundo.
Ngunit papaano ang lahat ay naging ako laban sa buong mundo, mahal ko?

Pre- Churos:
Sa mundong nakakapagod
Ikaw ang nagsilbing pahinga ko
Sa tadhang mapaglaro
Ikaw ang nagsilbing kakampi ko.

Chorus:
Paano makakayanan
Ang bigla mong paglisan
Na sa gitna ng paglaban ko
Bigla kang sumuko.
Kaya sa susunod na buhay
Sabay nating dayain ang tadhana
Baka sakaling kung pwede na
Pwede pa.

Verse 2:
Ngiting kailangan man ay di na ulit masisilayan
Pag sambit mo sa aking pangalan ay kay sakit nang pakinggan
Hanggang dito na lang ba ang ating pagmamahalan?

Pre- Churos:
Sa mundong nakakapagod
Ikaw ang nagsilbing pahinga ko
Sa tadhang mapaglaro
Ikaw ang nagsilbing kakampi ko.

Chorus:
Paano makakayanan
Ang bigla mong paglisan
Na sa gitna ng paglaban ko
Bigla kang sumuko.
Kaya sa susunod na buhay
Sabay nating dayain ang tadhana
Baka sakaling kung pwede na
Pwede pa.

Outro:
Sa ating huling kabanata
Mananatiling ikaw ang aking paksa
Pahimakas, aking sinta.



One response to “Pahimakas, aking sinta”

  1. Jay Ar Catabona Avatar
    Jay Ar Catabona

    Magaling!

    Like

Leave a comment

About Me

This website is only for academic purposes.

Newsletter

Design a site like this with WordPress.com
Get started