Sa bansang bulok ang sistema
Mahihirap ang labis na nagdurusa
Gobyernong walang ginagawa
Kundi pagtakpan lahat ng mali sa ating bansa na sila rin mismo ang may likha.
Hustisya
Hinahangad ng karamihan
Ngunit ang nakakaranas lamang ay ang mga mayayaman.
Pagpili ng pinuno
Dinadaan nalang sa apelyido
Hindi tinitingnan kung tapat nga ba ito at totoo
Basta tanyag ang apelyido mo na sa iyo ang boto ko!
Gobyernong nagbibingi-bingihan
Sa mga sigaw at hinaing ng taong bayan
Ikay unti-unti nilang lalapitan
Sabay abot ng kulay asul na papel kapalit ng iyong katahimikan.
Mga kasong hanggang ngayon ay nanatili paring kaso
Dahil maraming tao ang nakadawit dito.
Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi pa sila nabibisto?
Sapagkat karamihan sa kanila ay nasa pwesto.
Kabataang mulat na sa katotohanan
Ngunit pilit parin pinipigilan
Sigaw ng mga kabataang pilit nilalakasan
Maipakita lamang sa lahat ang sakit ng ating lipunan.
Sistema
One response to “Sistema”
-
Perfect!!!!
LikeLike
About Me
This website is only for academic purposes.
Leave a comment