Ako’y isang WATTPAD READER
Isa ring book lover
Eye bags ko’y may forever
Lagi pang napapagalitan ni mother
Laging nakakulong sa kwarto
Tumatawa’t lumuluha ng solo
Epekto ng binabasang kwento
Mga storyang tumatagos sa aking puso
Natutong mag ipon
Galing sa pang araw-araw na baon
Upang libro’y magkaroon
Na sa pangarap ko’y yaon
May nag aalburuto sa umaga
Alam na ito’y si mudra
Bitbit and paburitong kataga
Na “lagi ka nalang nakahilata”
Isa lang akong tagahanga
Napapaisip at natatawa
Kapalaran di tumutugma
Libro bakit di makuha?
Matagal ng nag umpisa
Hilig sa pagbabasa
Libro, kahit ni isa
Walang natamasa
Nangangarap na makatanggap
Libro’y aking makalap
Nag sulat aking makaharap
Na sa tingin ko ay isa lamang pangarap
Pumasok sa iskwela
Eye bags kay lala
Laging tulala
Alam na kung anong ginagawa?
Walker kung mag lakad
Utak kong saan napadpad
Hanap ang wattpad
Kahit nag lalakad
Exam di masagot
Kay mother ay lagot
Mabagsak di takot
Tiyak na katabi ay may sagot.
WATTPADER
About Me
This website is only for academic purposes.
Leave a comment