Alpas

To break free


NAGHINTAY AT NANATILI

Sa patuloy kong pagtahak sa madilim na daan,
Natagpuan mo ako sa may hindi kalayuan,
At kung iisipi’y ikaw ang nagbigay dahilan,
Upang magpatuloy na maabot ang kadulu-duluhan.

Binigyan mo ng panibagong lakas,
Upang sa hindi siguradong kahihinatnan ay makatakas,
Binigyang buhay ang walang kulay na landas,
Itinuro mo sa kagandahang walang wakas.

Kasabay ng aking pag-abot sa mga pangarap,
Hindi ko namalayan na gugustuhin kang maging parte ng aking hinaharap,
Kung noo’y hindi matamasa ang hinahanap,
biglaan na sa kasalukuyan tila ba ika’y ipinagkaloob ng alapaap.

Sa muling pagbukas ng bagong kabanata,
Sisiguraduhing Ikaw ang paboritong paksa,
Mula sa unang pahina patungo sa gitna,
At hindi hahayaang matapos na Hindi maganda ang storya.

Madaming katanungan na sa isip ay sumasagi,
Dumating pa sa puntong hindi na mawari-wari,
Ngunit binago mo ang dating takot at palaging sa dilim nagkukubli,
Salamat at dumating ka, Naghintay at Nanatili.



Leave a comment

About Me

This website is only for academic purposes.

Newsletter

Design a site like this with WordPress.com
Get started