Verse1:
Hindi na nagbabago, paulit-ulit nalang ganito
Hindi na alam, Hindi narin sigurado
Siguro nga’y pinaglalaruan na ng mundo.
Nanggaling na roon, at umikot na dito
Hindi parin matagpuan kung san ang tinutungo.
Verse2:
Isang araw di inasahan ang pagdating mo,
Hindi maintindihan ngunit nakakapanibago
tila mayroong naramdaman, napasabi nalang “ano ba ito tukso?” napaisip na huwag nalang kung oo.
Palaisipan parin habang tumatagal,
pag nakikita ka ang paligid ay bumabagal,
alam ko nasaktan lang ako pero hindi Isang hangal,
nasa punto na Naman ako ulit ng “pag dating sayo, handa akong sumugal”
Chorus:
Ikaw na nga iyan, ang dating pangmalakasan
Yung dating may harang binigyan mo ng daan
ngayon ay sigurado na ako, Sigurado na sayo.
Ikaw ang One sa Million, pababa man o paahon
at kahit magbago ang klima ng panahon
ngayon ay sigurado na ako, Sigurado na sayo.
Verse3:
sinigurado kona akin to
kahit may umangal man na walo,
o kahit pa kapalit ay ilang milyong libo
hindi ka kailanman maaalis sa pwesto
dahil sisiguraduhin kong akin ka at sayo ako.
Chorus:
Ikaw na nga iyan, ang dating pangmalakasan
Yung dating may harang binigyan mo ng daan
ngayon ay sigurado na ako, Sigurado na sayo.
Ikaw ang One sa Million, pababa man o paahon
at kahit magbago ang klima ng panahon
ngayon ay sigurado na ako, Sigurado na sayo
SIGURADO NA SAYO
One response to “SIGURADO NA SAYO”
-
Very good! ang galing ng emosyon! Good Job!
LikeLike
About Me
This website is only for academic purposes.
Leave a comment