Alpas

To break free


Ang pag-ibig sa halaman


Noong unang panahon,sa bayan Ng freedomAgwa may isang babae na ninirahan sa isang malaking hacienda.Nubibus ang kanyang pangalan,isang seryosong babae na madaling mapasaya. Hindi sya masyadong kumakausap Ng mga tao at mas pinipili niyang mapag isa sa kalikasan.Isa sa kanyang paboritong lugar ay ang kakahuyan sa bandang likod ng kanilang bahay.May isa siyang kinaaayawan o ayaw niyang nakakahawak ng halaman,dahil sa tuwing nalalapitan nya sya ay nangangati.

Ngunit isang araw,habang naglalakad siya papunta sa paaralan.Isang kakaibang bagay ang kanyang nakita sa tabi.Isang halaman na sa kanyang pag-kakaalam ay hindi pa sya nakakakita sa buong Buhay niya.Kulay itim ang bulaklak at kulay puti ang kanyang dahon na nakalagay sa isang malinis at maayos na lalagyan. Gustong lapitan ni nubibus ang halaman ngunit biglang tumunog ang alarma ng paaralan na ang ibig sabihin ay pasukan na,kaya’t tumungo na ito.
Nang mag uwian na habang papalabas ng gate si nubibus ay kinausap nya ang kanyang sarili,,….gusto kong bumalik sa halaman na aking nakita kanina.gusto kong lapitan ngunit akoy kinakabahan na baka ako’y mangati,dibale na gusto kong lapitan e.ngayon lang ako nakakita ng ganoong klaseng halaman.
Kaya’t tumungo na si nubibus kung saan nya nakita ang halaman .
Nang umupo sya ay kinausap nya ang halaman,..bakit ganito ang iyong kulay at sabay inamoy ang mga bulaklak nito at naipikit nya ang kanyang mga mata.Nang minulat nya ang kanyang mga mata ay nagulat sya sa kanyang nakita,dahil ang isang halaman ay naging isang tao.Hindi nya alam kung totoo ba ang kanyang nakikita o isa lang itong imahinasyon.
Hahahaha sa wakas ako’y nakalabas din, maraming salamat binibini,saad nito sakanya. Gulat na gulat si nubibus kaya’t hinawakan nya ang mga kamay nito at nagtaka sya isang tao na nanggaling sa halaman?paano? Sabay tumayo ang dalawa at nagpakilala sakanya ang halaman,,Ako si nigreos pinarusahan ng isang hari dahil sa nagawa kong pagkakamali at nakulong sa kakaibang bulaklak na ito na sa tuwing aamuyin at pipikit ang makakakita sakin ay sa oras na yon ako ay magiging tao,at pag lumipas ang kalahating araw ay babalik uli ako kung saan ako nanggaling.
Hindi makapagsalita si nubibus hanggang sa nag usap sila tungkol sa mga naging pagsubok ni nigreos,kinausap ni nigreos si nubibus na…. maaari moba akong iuwi o kunin dahil natatakot ako na baka ay sirain ako ng susunod na makakakita sakin?.pumayag naman si nubibus dinala niya ang kinalalagyan nito at sabay na naglakad ang dalawa iniwan na ni nubibus ang halamang tao sa kanilang likod bahay dahil hindi niya puwedeng ipasok ang halaman sa loob.
Sa likod ng bahay….
pasensya ngunit maaari bang dumito ka muna sa aming likod bahay,at akoy hinahanap na ng aking Ina.
sige maraming salamat binibini.sabay ngiti nito sakanya
Sa tuwing nalulungkot si nubibus ay laging nariyan si nigreos.Hindi naging sakit ulo ang halamang tao dahil lahat ng pinapakiusap ni nubibus ay kanya itong sinusunod.

Sa paaralan..habang tinuturuan siya ng kanyang coach na sumayaw ay lagi itong nagkakamali,dahil kinakabahan sya at mapanghihinaan na baka ay matalo sila at hindi niya masabi sa kanyang coach.

Nubibus,Hindi puwedeng magkamali ka,malapit na nating iperform ang sayaw na ito,last chance once na nagkamali ka maaalis kana sa team.
pasensya na po coachhh dina mauulit wika naman ni nubibus.

Sa likod ng bahay..
(Pumikit at inamoy ang halaman)
kumusta ka aking kaibigan saad ni nigreos.
Nasaktan kasi ako sa sinabi ni coach,paano pag nangyari yon?,maaalis ako sa team,hindi na ako maipagmamalaki ng aking ina.
Sumagot si nigreos,….pasensya wala akong magawa sa ngayon pero ang masasabi ko lang pagbutihin mopa sa susunod.practice makes perfect tandaan mo yan,sabay hawak niyo sa likod ni nubibus.
Maraming salamat wika naman nito.
At binigyan ni nigreos ng bulaklak si nubibus, kulay itim na dahon at may kulay rosas ang bulaklak
para saan ito?bulaklak iyan na magpapalakas ng iyong loob..aamuyin mo lang yan hindi ka mapanghihinaan.

Hinangaan ng babae ang halaman dahil sa kanyang kabutihan at kakaibang kapangyarihan.Namumukod tangi ito sa lahat ng mga karaniwang tao na nasa paligid nila.

Ngunit dumating ang araw na kailangan ng magpaalam ni nigreos dahil nawawala na ang mga dahon ng kanyang bulaklak.Kaya naman kinausap niya ng maayos si nubibus upang malinaw sa kanya kung bakit sya mawawala.
bakit nag iisa nalang ang dahon ng iyong halaman?sumagot si nigreos.,,,ito na ang tamang panahon para sabihin ko ito sa iyo sa isang dahon na natitira ay nagbibigay kahulugan na magpapaalam na ako sa iyo.
bakit kung kailan akoy nagkakagusto na sa iyo,Oras din pala ito para Iwan moko,habang malungkot niyang sinasabi,..Patawad ngunit kailangan ko na ngang magpaalam.Mahal kita pero hindi ko alam kung paano.paalam hanggang sa muli…at tuluyan na ngang naglaho si nigreos na parang bula.
Lumipas ang ilang araw bumalik si nubibus sa Lugar na kung saan dun niya unang nakita si nigreos.

Kailan,kailan ka babalik?tumulo ang kanyang luha sa bulaklak na ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan.At laking gulat niya ng biglang may isang dahon na lumipas at napunta sa kanyang palad.inamoy nya ito sabay pikit,pagmulat ng kanyang mga mata nakita nya si nigreos na nakatingin sakanya habang nakangiti.
Nigreos!!sabay yakap nito sakanya
Kumusta ka aking binibini?
Sobrang saya ko ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan lang itong sayang nararamdaman ko na baka pagmulat ng aking mga mata sa susunod na araw ay dika na ulit makikita pa,,.habang malungkot niyang sinasabi..
Alam mo bang Isa ka sa naging dahil kung bakit ako’y nagbabalik? Alam mo bang Ikaw ang nagbukas ng aking puso at nagpawalang bisa ng aking kaparusahan?Pag ibig ang siyang susi para ako’y makawala sa aking kulungang halaman. Kaya’t ako’y nagpapasalamat sayo aking binibini.
Sa huli natupad ang kanyang pangarap,ang halaman na kanyang pinapantasya ay Isa nang ganap na tao at naging bahagi na ng kanyang buhay.Hindi man naging madali ang kanilang paglalakbay,ngunit sa huli ay nakita nila na Ang kanilang pagmamahalan ay hindi nasira ng kahit anong pagsubok.
Ito ang kwento ni nubibus isang seryosong babae na nagkagusto sa isang halaman na nagiging tao.Ang kwento na nagpakita ng kahalagahan ng pagmamahal at pagsisikap upang matupad ang ating mga pangarap,kahit na itoy imposible sa paningin ng iba.



Leave a comment

About Me

This website is only for academic purposes.

Newsletter

Design a site like this with WordPress.com
Get started